Connect with us

Aklan News

BUMBERO SA CATICLAN AIRPORT, PATAY MATAPOS BUMANGGA ANG MOTORSIKLO SA TRAYSIKEL

Published

on

Photo Courtesy: Kalibo Fire Station FB Page

Patay ang isang rider ng motorsiklo matapos bumangga sa traysikel bandang alas 8:25 kagabi sa Old Buswang, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Daryl Silva, 26 anyos ng Bakhaw Sur, Kalibo at nagtatrabaho bilang fire fighter o bumbero sa Caticlan Airport.

Nakilala naman ang driver ng nabanggaan nitong traysikel na si Christopher Quindo, 31 anyos ng naunang nabanggit na lugar.

Base sa imbestigasyon ng pulis, galing sa direksyon ng Poblacion, Kalibo papuntang Old Buswang Proper ang traysikel nang lumiko ito pakaliwa papasok sa Bakhaw Sur nang mangyari ang banggaan.

Resulta, nagtamo ng malubhang head injury si Silva na kaagad namang dinala sa ospital, subali’t binawian ito ng buhay.

Sinasabing tumakas umano ang traysikel driver na pasahero pa noon ang kanyang asawa at apat na anak, subali’t naaresto naman ito mag-aalas 7:00 nitong umaga sa bahay ng kanyang biyenan.

Pansamantala siyang ikinostodiya sa Kalibo PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Samantala, sinabi naman ng drayber na si Quindo na nakita niyang mabilis at pa ‘zigzag’ umano ang motorsiklo ni Silva habang papalapit sa kanila.

Sinubukan pa umano niya itong iwasan, subali’t nabangga parin ni Silva ang kanang bahagi ng nasabing traysikel.

Kapwa naman nasa kustodiya ng Kalibo PNP ang mga naaksidente nilang traysikel at motorsiklo.

Advertisement

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *