Connect with us

Aklan News

HIWALAY NA QUARANTINE STATUS NG BORACAY SA MAINLAND, SINANG-AYUNAN NI GOV. MIRAFLORES

Published

on

By

Photo Courtesy: Jack Jarilla

Sinang-ayunan ni Aklan Governor Florencio Miraflores ang apela ng bayan ng Malay na bigyan sila ng hiwalay na quarantine status at restrictions para sa isla ng Boracay.

Ayon sa gobernador lubos na naapektuhan din ng pandemya ang gobyerno probinsyal kaya naiintindihan nila ang apela ng mga stakeholders sa Boracay.

Maluwag na aniya ang quarantine status implementation sa probinsya at pinayagan na ang mga aktibidad na pang turismo.

Nauna na rin silang nag-request sa Boracay Inter-Agency Task Force na payagan ang mga turista na 18 taong gulang pababa at 65 taong gulang pataas mula sa National Capital Region (NCR) na may pinakamaraming tourist arrivals ngayon.

Nagpadala na rin umano sila ng sulat sa Inter-Agency Task Force in Emerging Infectious Disease (IATF-EID) sa pamamagitan ni Secretary Francisco Duque kaugnay ng naturang kahilingan.

Isinisiguro rin aniya ng probinsya na isa sa kanilang prayoridad ang ang kalusugan ng mga turistang bumibisita sa isla.

Matatandaan na noong Agosto, iminungkahi rin ni Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Puyat na ihiwalay ang quarantine classification ng bayan ng Malay sa lalawigan ng Aklan para maiwasang makapasok sa isla ang Delta variant.

Kasalukuyang nasa 6,925 na o halos pitong libo ang bilang ng mga nagbakasyon sa isla sa loob lamang ng sampung araw mula Oktubre 1-10 batay sa tala ng Malay Tourism Office.