Connect with us

Aklan News

Babaeng backrider patay sa salpukan ng motor at van

Published

on

By

Binawian ng buhay ang isang 57 anyos na babae sa salpukan ng motorsiklo at van kagabi sa national highway ng Brgy. Tigayon, Kalibo.

Kinilala ang nasawing si Arlyn Silanga, 57, ng Ricarto Road Brgy. Linabuan Norte, Kalibo, sugatan naman ang kapwa nitong backrider na si Jenifer Silanga at driver na si Ace Teodosio, 22, residente ng Baybay, Makato.

Batay sa imbestigasyon, alas-6 kagabi nang mangyari ang aksidente matapos mag overtake ang motorsiklo sa inner lane ng kalsada at nag-uturn.

Tiyempo naman na paparating ang isang Nissan Urvan na minamaneho ni Jimmy Melgar Jr, 51, ng Brgy. Old Buswang at aksidenteng nasalpok ang likod na bahagi ng motorsiklo.

Dahil sa lakas ng impact, tumilapon ang backrider na si Arlyn at nagtamong malalang pinsala sa katawan na naging dahilan ng pagkasawi nito.

Temporaryo namang ikinulong sa Kalibo MPS ang ang driver ng van.