Connect with us

Aklan News

Aklan, kinilala bilang best performing province sa buong Region VI

Published

on

Kinilala bilang ‘Best Performing Province’ ang buong rehiyon ang lalawigan ng Aklan.

Ito ay sa katatapos lamang na Excell Awards 2022.

Maliban dito, hinakot din ng Aklan ang iba’t-ibang awards mula anim na mga best practices na sinalihan ng Prov’l Gov’t.

Nagkampyon ang ang Aklan Prov’l Gov’t. sa Local Legislation, Public Safety, Peace and Order Governance, at Administrative Governance.

Samantala, itinanghal namang 2nd Runner Up ang Aklan sa mga kategoryang: Social Governance; Economic Governance at Environmental Governance.

Ang naturang pagkilala mula sa Excell Awards ay patunay lamang sa dedikasyon ng Aklan Prov’l Gov’t sa pamumuno ni Gov. Jose Enrique ‘Joen’ Miraflores at Vice Gov. Reynaldo ‘Boy’ Quimpo na mas mapaganda pa ang serbisyo ng pamahalaan para sa mga Akeanon.