Connect with us

Aklan News

8 bahay nilamon ng apoy sa Boracay, P750k iniwang danyos

Published

on

By

PHOTO COURTESY: Ernesto Bandiola Cruz

Inabo ng sunog ang walong bahay kagabi sa Sitio Pinaungon, Balabag, Boracay Island.

Base sa paunang imbestigasyon, nagsimula umano ang apoy sa bahay na pagmamay-ari ni German Tiboso.

Batay pa sa BFP Boracay, alas-11:32 sila nakatanggap ng tawag na may nangyayaring sunog sa lugar.

Nagtulong-tulong ang mga bumbero at mga fire volunteers sa pag-apula ng sunog na idineklarang fire-out dakong ala-1:41 kaninang madaling araw.

Hindi pa alam kung ano ang dahilan ng sunog na nag-iwan ng P750,000 na pinsala batay sa paunang imbestigasyon.

Ito na ang ikalawang sunog na naitala sa isla ng Boracay ngayong Nobyembre.

Kung matatandaan, nitong Nobyembre 11, nasunog din ang dalawang palapag na residential boarding house sa Balagbag na nag-iwan ng tinatayang P1.5 milyon na danyos./ MAS