Connect with us

Aklan News

4 sugatan kasama ang 2 menor de edad matapos mahulog ang sinasakyang motor sa tulay sa Balete

Published

on

By

Sugatan ang isang 18-anyos na binata at dalawa nitong angkas na menor de edad matapos na mahulog sa tulay ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Brgy. Guanko, Balete, Aklan.

Kasalukuyang naka-ICU ang 18 anyos na driver na si Stanley Feliciano ng Brgy. Arcanghel Sur, Balete at ang 15 anyos nitong angkas habang nasa emergency room naman ang 17 anyos na isa pa nilang kasamahan.

Batay sa ulat, galing umano ang tatlo sa sayawan at pauwi na nang mahulog sa tulay at bumagsak sa semento dakong alas-11:30 kagabi.

Dalawa sa kanila ang nagtamo ng malalang pinsala na kasalukuyang naka-ICU.

Kaugnay nito, isa pang biktima ang isinugod sa ospital matapos mahulog sa parehong tulay kaninang ala-una ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang si Gerald Arroyo na nagtamo rin ng pinsala sa ulo at mukha na ngayon ay confined rin sa Aklan Provincial Hospital.