Connect with us

Aklan News

Kuya, tinaga ng nakababatang kapatid sa Ibajay

Published

on

By

Sugat sa kaliwang leeg ang tinamo ng isang lalaki matapos tagain ng kanyang nakababatang kapatid sa Brgy. Naile, Ibajay ngayong ala-1:30 ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Allan Illesania, 41 anyos, residente ng Sitio Agcococ, Naile.

Ang suspek naman ay kinilalang si Jason, 33 anyos.

Batay sa ulat, nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang magkapatid dahil parehong nasa impluwensya ng alak hanggang sa tinaga ng suspek ang biktima.

Confined ngayon sa Aklan Provincial Hospital si Allan at inaresto naman ng mga miyembro ng Ibajay PNP ang kanyang kapatiid.