Connect with us

Aklan News

Suspek sa panloloob sa Cathedral, Nahuli na

Published

on

Nahuli na bandang alas 6:30 nitong gabi ang suspek sa pagnanakaw sa Kalibo Cathedral kagabi na naglimas ng pera mula sa dalawang donation box doon.

Kaugnay nito, kasalukuyan nang nasa kostodiya ng Kalibo PNP ang suspek na si Luther Iguin Ortega, 30 anyos ng Bulabod, Malinao.

Ayon sa chief security ng Cathedral na si Ronnie Quimoy, naispatan umano ng isa sa mga church worker na naglilingkod rin bilang choir member ang suspek na may dalang bag na umakyat sa choir loop.

Ilang sandali pa umano ang nakalipas nang ipagbigay alam ito sa kanya ng choir member, rason na pina lock niya ang pintuan sa choir loop habang inaakyat niya doon ang suspek.

Ayon pa kay Quimoy, nakita niya doon ang suspek na mag-isa habang tumatagay pa ng gin.

Kaagad umano siyang bumaba para magpasaklolo sa pulis, sa pangambang baka meron itong armas.

Dumating naman ang mga pulis at naaresto ang suspek kung saan narekober ang bag na naglalaman ng mga barya at perang papel na nagkakahalaga ng P4,290.00.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang suspek nang subukang kapanayamin ng media.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *