Connect with us

Aklan News

14 ANYOS NA BIKTIMA UMANO NG PANGGAGAHASA, NABUNTIS

Published

on

Walong buwang buntis na ngayon ang 14 anyos na dalagita na umano’y biktima ng panggagahasa sa isang barangay sa bayan ng Numancia.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Radyo Todo Aklan, napag alaman mismo sa Numancia police na wala silang natanggap na report may kaugnayan sa nasabing kaso.

Subalit kinumpirma naman ni PSSgt. Gemilia Bergalino na noong nakaraang buwan ng Hulyo nitong taon pumunta sa kanyang bahay ang biktima kasama ang ina nito at nagsumbong sa umanoy pagbubuntis ng kanyang anak na sa paniniwala niya ay biktima ito ng panghahalay.

Tinanong niya umano ang biktima subalit wala itong itinuro na responsable sa kanyang pagbubuntis at ang ina umano ang sumagot nito na ang pinsan ng biktima ang humalay dito.

Subalit hindi naman umano umamin ang pinsan nito ng tanungin niya. Ayon pa kay PSSgt. Bergalino na tinanong din daw ng titser ang dalagita kung sino ang humalay sa kanya subalit wala rin itong maituro kung sino.

Nitong nakaraang araw, lumapit umano uli ang ina ng biktima kay Bergalino kasama pa rin ang biktima subalit wala pa ring nakuhang impormasyon ang pulis.

Pahayag pa ni PSSgt. Bergalino nahihirapan silang maisampa ang kaukulang kaso sa kadahilanang mismo ang biktima at ina nito ay walang kongkretong impormasyon sa insidente sa kung sino ba talaga ang umabuso sa biktima.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *