Connect with us

Aklan News

SUSPEK NA GUMAHASA SA 89-ANYOS NA MATANDANG DALAGA, SUMUKO SA PULISYA

Published

on

Boluntaryong sumuko sa mga pulis ang isang 20-anyos na suspek sa panggagahasa sa isang lola, Sabado ng gabi sa bayan ng Madalag.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, boluntaryong sumuko Linggo ng hapon ang suspek at umamin na siya ang responsableng may kagagawan sa panghahalay sa biktima.


Todo Media Magazine

Hindi na umano matandaan ng suspek ang iba pang mga nangyari ng gabing iyon dahil sa sobrang kalasingan nito.

Bago mangyari ang panghahalay sa biktima ay nag-inuman pa umano ang suspek kasama ang unang naimbitahan na person of interest na kapatid ng suspek at dalawang iba pa.

Matatandaang pinasok sg suspek sa kanyang kwarto ang biktima at binusalan ang bunganga at ginahasa na naging sanhi ng pagka ospital nito matapos namaga ang bunganga at pag durugo ng maselang parte ng katawan ng biktima.

Sa ngayon ay nakakulong ang suspek sa Madalag Police Station habang inihahanda pa ang karampatang kaso laban sa kanya.