Connect with us

Aklan News

20-ANYOS NA BINATA, NATAGPUANG NAKABITAY SA PUNO NG ARATILES

Published

on

Natagpuang nakabitay at wala ng buhay ang isang 20-anyos ng lalaki sa puno ng aratiles sa isang barangay sa bayan ng Banga, kaninang alas-5:00 ng umaga.

Ayon kay Oliver dela Cruz, natagpuan ni Gina Rotao ang biktimang nakasabit sa nabanggit na puno gamit ang isang lubid.

Napag-alaman na mag-isang namumuhay sa kanyang kubo ang binatilyo.

Bago nangyari ang insidente ay nakipag-inuman pa umano ito sa kanyang mga kabarkada ngunit wala naman itong nabanggit na problema sa kanila.

Samantala, naniniwala naman ang pamilya ng biktima na walang nangyaring foul play sa insidente.