Connect with us

Aklan News

Lalaki na naghubad sa ka-video call, nagreklamo ng pangba-blackmail

Published

on

Photo courtesy| https://www.shutterstock.com

Boracay – Napasugod sa himpilan ng Boracay Police station ang isang lalaki matapos i-blackmail sa pamamagitan ng paghingi ng pera ng ka video call niya noong Marso 10, alas 10:30 ng gabi, sa Sitio Pinaungon, Brgy Balabag, Boracay.

Inereklamo ng isang 23 anyos na lalaki ang isang babae na nakilala niya lang sa online bilang Jhayrine Gozon.

Base sa salaysay ng biktima habang siya ay nasa barracks at lasing ng mga oras na iyon naisipan umano niyang mag-video call sa suspek.

Sa kalagitnaan umano ng kanilang pag-uusap pinahubad siya ni Gozon na kanya namang ginawa.

Hindi niya umano namalayan na habang nag uusap sila ay kinukuhaan siya ng litrato at video ang suspek.

Mga bandang alas 11:00 ng gabi ding yon ay nakatanggap umano siya ng mensahe galing kay Gozon na humihingi ng 10,000 pesos kapalit ng nakuhang video niya na nakahubad.

Dagdag pa ng biktima na nag message sa kanya ang suspek na ipadala sa nagngangalang Rubendra Mahendran ang perang hinihingi nito.

At dahil sa takot ng biktima minabuti nito na ipa record sa Boracay Pnp ang pangyayari.