Connect with us

Aklan News

9 persons under investigation sa Aklan, negatibo sa COVID-19 – Aklan PHO

Published

on

Photo courtesy| DRSTMH/PHO-Aklan logo

Kalibo, Aklan – Malugod na ibinalita ng Provincial Health Office Aklan (PHO-Aklan) na lahat ng 9 na Person Under Investigation PUIs ay nakalabas na ng ospital at negatibo sa COVID-19.

Kinumpirma ng Provincial Health Office Aklan (PHO-Aklan) na mayroon na silang naitalang 82 COVID-19 Persons Under Monitoring (PUM) at 9 na Persons Under Investigation (PUI) mula noong Enero 17 hanggang March 12, 2020.


Photo courtesy| PIA Iloilo

Namonitor ang mga PUMs sa surveillance na isinagawa ng mga Barangay Health Emergency Teams (BHERT) sa lahat ng munisipalidad para masiguro na COVID-19 free ang probinsya.

Base sa guidelines at protocols ng Department of Health (DOH) at Department of Interior and Local Government (DILG), lahat ng asymptomatic na residente mula sa ibang bansa na may kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay dapat na magpasailalim sa striktong 14-day home quarantine.

Nakikipag-ugnayan na rin ang PHO sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno at lahat ng Local Government Units para masiguro na lahat ng regulasyon ay mahigpit na naipapatupad.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *