Connect with us

Aklan News

Seaman, patay matapos bumangga sa kahoy ang minamanehong sasakyan

Published

on

Photo courtesy| Batan PNP

Batan, Aklan – Patay ang isang seaman matapos bumangga sa kahoy ang minamaneho nitong sasakyan alas 12:20 kaninang madaling araw sa Sitio Inyawan, Angas, Batan.

Nakilala ang biktimang seaman na si Rojie De Blas Onayan, 29 anyos at residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng Batan PNP, pauwi na ang biktima at tatlo pa nitong kasama nang mawalan umano siya ng kontrol sa pagmamaneho sa loose gravel o mga graba sa daan.

Sanhi nito, bumangga sa kahoy ang sasakyan at umikot dahil narin sa lakas ng pagkakabangga.

Hindi rin umano gumana ang air bag ng sasakyan, rason na nagtamo ng malubhang pinsala sa ulo ang biktimang si Onayan, habang hindi naman nasugatan ang kanyang mga kasama.

Kaagad silang dinala sa Altavas hospital, subali’t hindi na umabot nang buhay si Onayan.

Sinasabing kahapon lang dumating galing abroad ang biktima at nakipag-inuman kagabi sa kanyang mga kaibigan bago nangyari ang insidente.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *