Connect with us

Politics

MARCOS VICTORY, SA GITNA NG NAGLALABASANG FAKE NEWS GAMIT ANG KANYANG MGA ANAK AT PAMILYA. PRESIDENTIAL FRONTRUNNER BONGBONG MARCOS, NANININDIGAN PA RIN NG PAGKAKAISA AT HINDI PAGKAKAWATAK-WATAK NG MGA PILIPINO

Published

on

By

Patuloy na nagpapakita ng mataas na porysento si presidential candidate Bongbong Marcos sa mga scientific, media-based at independent surveys.

Dahil dito, may mga panibagong fake news ng kasinungalingan gamit ang mismong mga anak ni Marcos na ayon sa mga political observers, “textbook desperate moves” ng mga kalaban.

Ang nasabing “vicious attacks” diumano’y nagsimulang kumalat sa social media gamit ang interview ng broadcast journalist at Entertainment Reporter Boy Abunda sa anak ni Marcos.

Sa kabila nito, muli umanong nanindigan si Bongbong Marcos na ang pagkaka-isa ang siyang armas laban sa masamang estilo ng papangampanya.

Dagdag pa niya na dahil sa dumi ng pulitika, mas tamang panahon umano ito na magkaisa at sumama sa kanyang panawagan na ayon sa kanya ay isang magandang halimbawa para sa mga kabataan.

Ayon pa kay BBM walang puwang ang character assassination sa kampanya, paalala niya na sa halip, respetuhin ang individual choices at preferences ng bawat isa.

Kampante naman si Marcos na makakayanan ng kanyang mga anak na lunukin ang mga pag-atake at umaasa siyang hindi  maapektuhan ang mga ito sa mga lumalabas na pekeng mga balita.

May kaugnayan dito, patuloy ang panawagan ni Marcos sa mga mamamayan na magka-isa, huwag maniniwala at magpabiktima sa mga fake news na ikinakalat lalo na sa social media.

Sa ipinalabas na resulta ng kalye surveys, 61.1% na ang preference vote ni Marcos kumpara sa kanyang mga kalaban.

Mas malayo umano ito sa pumapangalawang si Leni Robredo na meron lamang 10.1% at hindi pa rin malampasan ang iskor nito kahit pagsama-samahin pa ang iskor ng mg kalaban.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *