Connect with us

Negros News

JAIL FACILITIES SA NegOcc, MANANATILING LOCKDOWN PARA SA MGA BISITA

Published

on

Photo courtesy| https://www.deccanherald.com/ NegOcc District Jail logo on Facebook

Sa kabila ng isinailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang probinsiya ng Negros Occ. at syudad ng Bacolod ay mananatili pa ring sarado para sa mga bisita ang Negros Occidental District Jail.

Ayon kay NODJ Jail Warden Chief Inspector Norberto Miciano, ito ay upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na COVID-19 na posible umanong makapasok sa kanilang pasilidad.


Dagdag pa nito, naghahanda rin ang kanilang ahensya ng isolation rooms para sa mga na-expose na Persons Deprive of Liberty o PDL’s na lalabas para dumalo sa hearing.

Samantala, ang isolation room ay magsisilbing holding area at 14day quarantine period sa mga PDL’s base sa protocol ng Department of Health (DOH) at Covid-19 Task Force Advisory ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Position: Production Staff Years/background in Media works: 4yearsWhy chose this profession:Mass Communication helps me in building my personality and overcome my shyness. I can now see my improvement because I am now comfortable in speaking and socializing with people. Principle in life: Never give up on something you really want. It's difficult to wait but it's more difficult to regret.