Connect with us

Negros News

21 anyos na Babae ginahasa; Suspek, isang Pedikab driver

Published

on

Bacolod- Arestado ang 41-anyos na trisikad driver matapos nitong gahasain ang 21-anyos na dalagita sa mismong kwarto nito kahapon ng umaga, Agosto 8 sa Bacolod City.

Ayon kay Bacolod City Police Office Women & Children Protection Desk chief Police Lt. Arlyn Torrendon, nakapasok umano ang suspek sa kwarto ng biktima dahil hindi ito naka-lock at doon ginawa ang panghahalay sa dalaga.


Dagdag pa nito, hindi na nakapalag at nakahingi ng tulong ang dalaga dahilan na tinutukan na umano ito nang suspek ng kutsilyo.

Matapos sa ginawang panghahalay sa dalaga ay doon pa umano natulog ang suspek sa sala ng bahay ng biktima.

Samantala, ang naturang suspek ay may record na kasong murder.

Hinihintay na lamang ng mga otoridad ang resulta ng medical certifcate ng biktima para makasukahan ng rape ang suspek.

Position: Production Staff Years/background in Media works: 4yearsWhy chose this profession:Mass Communication helps me in building my personality and overcome my shyness. I can now see my improvement because I am now comfortable in speaking and socializing with people. Principle in life: Never give up on something you really want. It's difficult to wait but it's more difficult to regret.