Connect with us

Negros News

Dalawang buwan na sanggol na narekober ng militar sa Neg Occ, pinaniniwalaang anak umano ng NPA

Published

on

NAREKOBER ng mga sundalo ang dalawang buwan na sanggol na pinaniniwalang myembro umano ng New People’s Army (NPA) sa isinagawang operasyon sa Hda Ambulong, Barangay San Fernando sa syudad ng Talisay, Negros Occidental.

Ayon kay 3rd Infantry Division Spokesperson Major Cenon Pancito, nagsagawa sila ng operasyon sa naturang lugar kaninang madaling araw, Enero 13, 2021 dahil sa natanggap na impormasyong may apat di umanong mga miyembro ng NPA roon ngunit hindi na nila naabutan ang mga ito.


Kinumpirma naman ng mga taga- Hda. Ambulong na may mga presensya ng NPA sa nasabing lugar.

Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng hot pursuit operation ng mga militar sa pinaniniwalaang mga myembro ng New People’s Army (NPA) na nakatakas mula sa kanilang operasyon.

Samantala, nasa kustodiya na ng City Social Welfare and Development (CSWD) ang naturang sanggol.

via| Aksyon Radyo Bacolod

Position: Production Staff Years/background in Media works: 4yearsWhy chose this profession:Mass Communication helps me in building my personality and overcome my shyness. I can now see my improvement because I am now comfortable in speaking and socializing with people. Principle in life: Never give up on something you really want. It's difficult to wait but it's more difficult to regret.