Connect with us

National

Radio anchor patay matapos barilin habang naka-live broadcast

Published

on

By

PATAY ang isang radio anchor matapos na barilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang naka-live broadcast sa Calamba, Misamis Occidental nitong Linggo.

Kinilala ang biktima na si Juan Jumalon o mas kilala bilang DJ Johnny Walker, 57-anyos ng P-2, Brgy. Don Bernarfo A. Neri sa nabanggit na bayan.

Batay sa ulat, habang nagpro-programa kaninang umaga ang biktima ay pumasok ang suspek sa radio booth sa loob ng kanyang bahay at binaril ito sa bibig na tumagos sa kanyang batok.

Hinablot pa ng suspek ang suot na kuwintas ng biktima bago umalis.

Isinugod pa si Jumalon sa Calamba District Hospital ngunit idineklarang dead-on-arrival.

Nagpapatuloy pa sa ngayon ang isinasagawang imbestigasyon ng mga kapulisan upang malaman kung ano ang posibleng motibo sa krimen.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *