Connect with us

National

MGA EMPLEYADO NA FULLY VACCINATED MAKAKATANGGAP NG CELLPHONE, P5,000 LOAD AT BIKE

Published

on

National – Magbibigay ng Cellphone, 5,000 pesos na load at bike ang Department of Labor and Employment (DOLE) bilang incentives sa mga empleyado na fully vaccinated laban sa COVID-19 sa ilalim ng BAKSIKLETA program ng ahensya.

Layon nitong makumbinsi pa ang ilang mga empleyado na magpa bakuna.

Isang libong essential workers sa NCR ang makatanggap sa nasabing programa at pati na rin sa ibang rehiyon.

Sa huli patuloy parin ang paalala ng ahensya na mahigpit pa ring ipinagbabawal ang ‘No Vaccine No Work Policy’.