Connect with us

National

DOLE: Face shields sa mga empleyado mandatory na sa Agosto 15

Published

on

Obligado na ang mga manggagawang nasa kanilang trabaho na magsuot ng face shield simula Agosto 15 ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

Inaprubahan ito ng Inter-Agency Task Force (IATF) bilang pag-iingat kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).


Dahil dito, bukod sa iba pang health protocols gaya ng pagsusuot ng facemask at pagkakaroon ng social distancing ay kailangan na ring magsuot ng face shield ang mga empleyado habang nasa oras ng kanilang trabaho.

Paliwanag ni Bello, kailangan sagutin ng mga employer ang face shields na gagamitin ng kanilang mga empleyado, habang papatawan ng parusa ang hindi susunod sa kautusan.

Una nang, inanunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) na mandatory na ang pagsusuot ng face shield sa riding public sa Agosto 15.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *