Connect with us

Iloilo News

BYAHE NG MGA BARKO MULA NEGROS ISLAND PAPUNTANG ILOILO CITY, SUSPENDIDO SIMULA BUKAS

Published

on

By

Suspendido ang byahe ng mga barko mula Negros Island papuntang Iloilo City at pabalik simula 12:00 ng madaling araw bukas, Mayo 25 hanggang Mayo 31, 2021.

Batay ito sa inilabas na sea travel advisory ng Coast Guard Station (CGS) Iloilo kasunod na maisailalim ang lungsod ng Iloilo sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) hanggang Mayo 31, 2021 dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Samantala patuloy naman ang byahe ng mga cargo vessels.

Hindi rin apektado ang byahe mula Negros Occidental papuntang Dumangas, Iloilo.