Connect with us

Iloilo News

BFP 6, NAGSAGAWA NG MASS GATHERING SA KABILA NG UMIIRAL NA MECQ

Published

on

By

Photo: Aksyon Radyo Iloilo

Sa kabila ng mahigpit na quarantine protocols dahil sa ipinatupad na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), nagsagawa pa rin ng mass gathering ang mga miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Ayon sa ulat, nagsagawa pa rin sila ng inagurasyon sa bagong sub-station ng BFP-Iloilo City sa Alta Tierra Village.


Maliban sa gathering sa launching program, iniulat din na may salo-salo pa pagkatapos ng event.

Mababatid, sa Executive Order No. 50-A ni Mayor Jerry Treñas, ipinagbabawal ang anumang klase ng mass gathering sa lungsod hanggang Hunyo 15, 2021.