Connect with us

Capiz News

MOTORSIKLO NINAKAW SA ROXAS CITY, CAPIZ; SUSPEK NAARESTO SA KALIBO, AKLAN

Published

on

Arestado ang isang 19-anyos na lalaki sa Kalibo, Aklan matapos marekober sa kaniya ang ninakaw na motorsiklo sa Km. 2, Brgy. Lawaan, Roxas City, Capiz.

Kinilala ang suspek na si Ricky Matutis, residente ng San Jose, Mindoro.

Ayon sa report ng Kalibo PNP, nagsasagawa ng checkpoint ang kapulisan nitong Linggo ng gabi nang dumaan ang Suzuki raider 150 kulay itim na motorsiklo na menamaneho ng naturang suspek angkas ang isang 16-anyos na lalaki na taga-Nabas, Aklan.

Dahil alas-10:40 na ng gabi, pinarahan ng kapulisan ang mga ito at inimbitahan sa police station dahil sa paglabag sa curfew hours na nagsisimula alas-9:00 ng gabi.

Habang nasa himpilan ng pulisya, napansin ng mga otoridad na hindi mapakali ang suspek rason na hinanapan nila ng mga dokumento sa motorsiklo.

Narekober ng kapulisan sa toolbox ng motor ang plaka at dokumento na nakapangalan kay Rene Boy Balana, Jr., na taga Brgy., Lawaan, Roxas City rason para maghinala ang kapulisan na ninakaw ang motor.

Agad na nakapig-ugnayan ang Kalibo PNP sa Roxas City PNP at dito nakumpirma na ang motorsiklo ay ninakaw ng suspek.

Nakakulong ngayon ang suspek sa Roxas City PNP Station at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *