Connect with us

Capiz News

MISTER NA LASING, SINAKSAK NG KANYANG MISIS

Published

on

By

Sugatan ang isang mister matapos saksakin ng kanya mismong misis sa Brgy. Agojo, Panay nitong Biyernes, Abril 22, 2022.

Kinilala ang biktimang si Alberto Asignacion, habang suspek naman ang kanyang misis na si Geraldine Asignacion, 59-anyos na kapwa mga residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa imbestigasyon ng Panay Municipal Police Station, lasing si Alberto nang magkasagutan silang mag-asawa dahilan na umawat ang kanilang anak na babae pero sinakal ito ni Alberto kaya kumuha ng kutsilyo si Geraldine at sinaksak ang asawa sa tiyan.

Mabilis naman na dinala sa ospital ang biktima para magamot.

Samantala, dinala naman ang misis sa Panay Municipal Police Station para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *