Connect with us

Capiz News

Mga misa sa lahat ng simbahan sa Roxas City kanselado muna

Published

on

Kanselado muna ang misa sa lahat ng mga parokya at mission stations sa Roxas City simula nitong araw ng Lunes, Mayo 24.

Magtatagal ang kanselasyon hanggang Mayo 31.

Ang temporaryong kanselasyon ng misa ay inanunsiyo ni Msg. Freddie Billanes, Rector ng Immaculate Conception Metropolitan Cathedral, sa kaniyang Facebook post.

Nilinaw naman nito na ang mga nakaskedyul na mga binyag, libing, at kasal ay pahihintulutan basta striktong susundin ang mga panuntunan sa Executive Order na inilabas ni Mayor Ronnie Dadivas.

Hinikayat naman ng pari ang mga mananampalataya na magjoin nalang sa kanilang online mass tuwing alas-8:00 ng umaga.

Ang hakbang ay kasunod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod at sa buong Capiz.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *