Connect with us

Capiz News

Magsasaka pinagbabaril sa President Roxas, Capiz

Published

on

Pinagbabaril ang isang lalaki ng kapwa nito magsasaka sa Brgy. Manoling, President Roxas, Capiz.

Kinilala ang biktima na si Vedjo Ernesto y Telesforo, 38-anyos, may-asawa, residente ng nasabing lugar.


Kinilala naman ang suspek na si Charlie Bayan y Pastrana, 50, residente ng nasabing barangay.

Batay sa report ng kapulisan, naganap ang insidente nitong Sabado ng umaga nang magkaroon ng mainit na komprontasyon ang dalawa na dati nang may alitan.

Umuwi ang suspek sa bahay nito at pagbalik ay may dala na ito ng hindi pa malamang kalibre ng baril at pinagbabaril ang nasabing biktima na tinamaan sa iba-ibang bahagi ng katawan.

Unang isinugod ang biktima ng mga rumespondeng tauhan ng MDRRMC ng President Roxas sa Rural Health Unit at kalaunan ay itiniransper din sa Bailan District Hospital.

Tinutugis naman ng kapulisan ang suspek matapos itong tumakas pagkaraan ng insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *