Connect with us

Capiz News

2 top most wanted person sa Capiz, timbog

Published

on

Timbog ang top 1 at top 2 most wanted person ng Capiz sa kasong murder.

Kinilala ang mga akusado na sina Alejandro Alcodia Mejares, 56-anyos, at Lordan Alcodia Mejares, 40, parehong tubong Brgy. Culajao, Roxas City, Capiz, pero mga residente ng Brgy. Calawag, Roxas City, Capiz, parehong mga mangingisda.

Sila ay inaresto ng pinagsamang mga tauhang ng Roxas City PNP at Taytay PNP Station sa Brgy. Calawag, Taytay, Palawan dakong alas-9:30 ng umaga nitong Sabado sa bisa ng warrant of arrest.

Ang kanilang warrant ay ibinaba ni Esperanza Isabel Poco-Deslate, presiding judge ng Regional Trial Court Branch 19 sa Roxas City noon pang Mayo 2012.

Walang itinakdang pyansa ang korte para sa kanilang pansamantalang paglaya.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *