Connect with us

Capiz News

8 INDIBIDWAL, INIREPORT NA MISSING SA KARAGATANG SAKOP NG ROXAS CITY, CAPIZ

Published

on

Missing persons in Capiz

Inireport na missing ang 8 katao na sakay ng motorbanca sa karagatang sakop ng Roxas City, Capiz.

Ayon kay Commander Edizon Diaz ng Philippine Coastguard Iloilo, alas 11:30 kaninang umaga nang makatanggap sila ng report mula sa Coast Guard Sub-station Banica, Roxas City na may missing na motorbanca lulan ang 8 indibidwal.

Mula umano ang mga ito sa ‘Sapatos Gamay’ na sakop ng Masbate at papuntang Carles ayon kay Diaz.

Ang mga inireport na missing ay kinilalang sina:

1. Romeo Bataican – 36 anyos
2. Rhoda Moncillo – 35 anyos
3. Roldan Bataican – 19 anyos
4. 14 anyos na lalaki
5. 10 taong gulang na batang lalaki
6. 9 na taong gulang na batang lalaki
7. 5 taong gulang na batang lalaki
8. 6 na taong gulang na batang lalaki

Ipinahayag ni Station Commander Coast Guard Capiz Jose Luviz Mercurio na may natanggap silang report kaninang hapon na may walong indibidwal na nakita sa Isla Gigantes pero hindi pa nila makumpirma kung sila ang inireport na missing.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *