Connect with us

Capiz News

3 katao arestado sa pagtu-Tong-its sa Roxas City

Published

on

Inaresto ng kapulisan ang tatlong katao na nahuling nagsusugal sa Mejorada Subd., Brgy. Inzo Arnaldo, Roxas City.

Kinilala ang mga naaresto na sina Gina Arbolado, 61 anyos; Ma. Elena Bereber, 44 anyos; at Bernaldo Venancia, mga residente ng nasabing lugar.

Batay sa report ng Roxas City PNP, may nagreport sa kanila na isang concerned citizen na may nagtu-Tong-its sa kanilang lugar na hindi naka-face-mask at walang social distancing.

Agad naman rumesponde ang kapulisan at hinuli ang mga nasabing suspek.

Kabilang sa mga narekober ng kapulisan ay ang baraha na ginamit sa pagsusugal, Php103.75 na taya.

Nakakulong ngayon ang mga suspek sa Roxas City PNP at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sas Presidential Decree No. 1602 o implifying And Providing Stiffer Penalties for Violations of Philippine Gambling Laws.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *