Connect with us

Aklan News

Wanted person sa kasong homicide sa Mariviles, Bataan arestado ng Makato PNP

Published

on

Arestado ng Makato PNP ang isang lalaking wanted sa kasong Homicide, alas 7:25 kagabi sa Agbalogo, Makato.

Nakilala ang akusadong si Joelito Turing, 41 anyos, tubong Sawang, Masbate, at kasalukuyang residente ng Agbalogo, Makato.

Isinilbi ng mga pulis ang kanyang warrant of arrest na may criminal case no.ML-7015 na ibinaba ni Hon. Jose Marie A. Quimboy, Presiding Judge, 3rd Judicial Region, RTC Branch 94, Mariveles, Bataan noon pang March 9, 2018.

Pansamantala siyang ikinustodiya ng Makato PNP para sa karampatang disposisyon, subalit makakalaya pansamantala kapag makapagpiyansa ng P40,000.00.