Connect with us

Aklan News

Rider ng motorsiklo, patay matapos salpukin ng SUV

Published

on

Kalibo – Dead on arrival sa ospital ang isang rider ng motorsiklo matapos umanong salpukin ng isang SUV alas 8:40 kagabi sa Pook, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Reyge Aguirre, 37 anyos ng Mabilo, New Washington, habang nakilala naman ang driver ng SUV na si Samuel Fabale, 47 anyos ng Bakhaw Sur, Kalibo.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, isang head on collision ang nangyari sa dalawa, kung saan nabatid na papuntang New Washington si Aguirre, habang papuntang Kalibo si Fabale nang aksidente umanong salpukin ng SUV ang motorsiklo.

Sa lakas ng pagkakabangga, sinasabing nilipad mula sa point of impact si Aguirre rason ng mga tinamo nitong pinsala sa katawan.

Kaagad pa sana siyang dinala sa ospital, ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Pansamantala namang ikinustodiya sa Kalibo PNP Station si Fabale para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *