Connect with us

Aklan News

VOTER’S REGISTRATION SA AKLAN, MULING LALARGA NGAYONG ARAW

Published

on

By

Photo: https://palawan-news.com/

Tatanggap na muli ngayong araw ang opisina ng Commission on Elections (Comelec) Aklan ng mga aplikasyon sa voter’s registration.

Ito ang pahayag ni COMELEC Aklan Spokesperson Crispin Raymund Gerardo sa panayam ng Radyo Todo.

Aniya, pinalawig ng COMELEC ang voter’s registration ngayong Oktubre 11 hanggang katapusan ng buwan makaraan ang panawagan ng iba’t ibang sektor at Kongreso na magbigay ng ekstensyon.

Magsisimula ang pagtanggap nila ng aplikasyon alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes, maliban na lamang sa Oktubre 30 na araw ng Sabado.

Kaugnay nito, sinabi ni Gerardo na wala pang opisyal na listahan ng mga kandidatong tatakbo sa May 2022 elections.

Inaasahan di umano nilang ilalabas ito sa buwan ng Nobyembre matapos ang masinsinang proseso ng legal department.

Ikinukunsidera rin nila ang substitution na maaaring mangyari bago maglabas ng opisyal na listahan.

Nakapagtala na ang COMELEC ng 7,994,821 Pilipinong nakapagparehistro simula ng buksan ang voter’s registration na doble sa inisyal na target ng COMELEC na apat na milyong botante sa darating na hhalalan.

Unang itinakda ang deadline ng registration period noong Setyembre 30.