Connect with us

Aklan News

LALAKING UMAWAT LANG SA AWAY NG BAYAW, SIYA PA ANG NASUGATAN

Published

on

By

Naputulan ng hinlalaking daliri sa paa ang isang lalaking umaawat lang sa away ng kanyang bayaw.

Sa ulat sa programang Todo Latigo, kinilala ang biktimang si Lowel Gomez, 33 anyos ng Unidos, Nabas.


Todo Media Magazine

Kwento niya, alas-8:00 kagabi nang mangyari ang isang gulo sa kanilang bahay nang magwala ang kanyang bayaw.

Namagitan sa away ang biktima dahil sa gulo at huli na nang mapansin nitong duguan na ang kanyang paa.

Dahil dito kailangan isailalim sa operasyon si Gomez na kasalukuyang nagpapagaling sa Aklan Provincial Hospital.

Hindi naman malaman ni Gomez kung ano ang talagang dahilan kung bakit naputol ang daliri ng kanyang paa habang umaawat sa away.