Connect with us

Aklan News

Suspek sa pagpatay kay Analyn Rembulat sa barangay Pusiw, Numancia umamin na; biktima pinatay umano sa sakal

Published

on

By

Umamin na sa krimen ang suspek sa pagpatay sa dating OFW na si Analyn Rembulat sa barangay Pusiw, Numancia noong Pebrero 18, 2024.

Sa eksklusibong panayam ng Radyo Todo sa suspek na si Emelito Alapag, 35-anyos at residente ng Barangay Bakhaw Norte sa bayan ng Kalibo, sinabi nito na pinasok niya ang bahay ng biktima bandang alas-12 ng madaling araw upang magnakaw.

Target sana nito ay pera ngunit nagising umano ang biktimang si Rembulat at naabutan siya.

Dahil dito, sinakal niya ang babae hanggang sa namatay ito.

“Hamugtawan ako. Gin eu-ok ko imaw. Dato dayon nga hapatay ko imaw.” pag-amin nito sa Radyo Todo.

Itinanggi naman nito na ginalaw niya ang biktima matapos na wala na itong saplot pang-ibaba ng matagpuan.

“Gin-ubhan ko malang imaw. Gindaea ko malang sa may kwarto,” wika ng suspek.

Dagdag pa ng suspek na kaagad naman siyang lumabas ng bahay at tanging ang cellphone lamang ng biktima ang kanyang nakuha.

Naaresto ang suspek matapos nitong tangkang ibenta ang cellphone ng biktima sa isang traysikel driver na residente ng barangay Pusiw, Numancia ngunit nagduda ang nasabing traysikel driver sa naturang cellphone kung kaya’t kaagad niya itong ipinagbigay-alam sa mga otoridad.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Numancia PNP ang suspek na si Alapag para sa karampatang disposyon.