Connect with us

Aklan News

Salpukan ng 2 motor: Driver, backrider sugatan

Published

on

By

Photo: Mdrrmo Kalibo/Facebook

SUGATAN ang dalawang driver ng motorsiklo at isang backrider matapos na magsalpukan sa barangay Pook, Kalibo nitong Lunes.

Kinilala ang mga driver ng motor na sina Lloyd Andrew Arnaiz, 18, residente ng barangay Pook, Kalibo at Ralph Domingo, 23, residente naman ng barangay Guinbaliwan, New Washington.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Kalibo PNP, mula sa Poblacion, Kalibo si Arnaiz at liliko sana pakaliwa nang bigla na lamang sinalpok ni Domingo.

Sinasabing balak sanang mag-overtake ni Domingo sa motorsiklo ni Arnaiz. Dahil sa aksidente, kapwa nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan ang dalawang driver na pawang tumanggi na magpadala sa ospital sa mga rumespondeng miyermbro ng MDRRMO-Kalibo.

Samantalang, isinugod naman sa isang pribadong ospital ang angkas ni Arnaiz na si Nathaniel Mediavilla matapos na magtamo din ng sugat sa kanyang katawan.

Kaugnay nito, kapwa inisyuhan ng citation ticket ang dalawang driver ng motor dahil sa kanilang nagawang bayolasyon.