Connect with us

Aklan News

RIDER NG MOTORSIKLO, SUGATAN MATAPOS BUMANGGA SA TRUCK

Published

on

Banga – Sugatan ang isang rider ng motorsiklo matapos sumalpok sa isang truck sa highway ng Tabayon, Banga.

Nakilala ang biktimang si Rolan Retino, 25 anyos ng Venturanza, Banga na nagtamo ng pinsala sa kanang paa sanhi ng insidente.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulis may truck noon sa unahan ni Rentino, na papunta sa direksyon ng Altavas.

No description available.

Sumenyas umanoo ang truck na pakaliwa para magpagasolina, subalit mabilis umano ang pagpapatakbo ni Retino ng kanyang motorsiklo sa center lane o gitna ng kalsada, at mistulang ipinilit na makauna kahit alanganin, dahilan naman na sumalpok ito sa kaliwang gilid ng truck.

Samantala, patuloy namang nasa proseso ng pakikipag-areglo ang magkabilang-panig habang ginagamot pa sa ospital ang biktima.

No description available.