Connect with us

Aklan News

Presong nakatakas sa ARC, balik-kulungan matapos ang mahigit isang buwang pananatili sa labas ng kulungan

Published

on

By

Balik-kulungan na ang isang presong mahigit isang buwan nang pinaghahanap ng mga kapulisan makaraang makatakas sa Aklan Rehabilitation Center (ARC) noong Hunyo 6.

Nalambat ng mga awtoridad sa manhunt operation ang tumakas na inmate na si Randy Fulgencio dakong alas-11:00 kagabi, Hulyo 16 sa may terminal ng L300 van papuntang Roxas.

Batay sa ulat, may isang reliable source na nakatimbre sa mga kapulisan tungkol sa kinaroroonan ng suspek.

Pinuntahan nila ang lugar at doon tuluyang nahuli si Fulgencio na napag-alamang may patong na halos P100,000 sa ulo.

Kung matatandaan, tumakas ang suspek sa ARC gamit ang isang kawayan para makaakyat sa pader.

Si Fulgencio ay nadakip dahil sa kasong may kinalaman sa droga at pagnanakaw sa bahay ng isang pulis sa bayan ng Kalibo.