Connect with us

Aklan News

Patong-patong na kaso, isinampa ng PNP kay Brenz Egodas

Published

on

By

Mahaharap sa patong-patong na kaso si Brenz Egodas, ang miyembro ng rebeldeng grupong NPA na nahuli at nabaril matapos na mangikil ng P15 million sa isang negosyante sa bayan ng Makato.

Kasong paglabag sa RA 9516 o Illegal Possession of Explosives ang isinampa ng Makato PNP kay Egodas.

Samantala, nagsampa rin ng kasong paglabag sa RA 10168 o The Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012 at Violation of Article 151 ng RPC (Resistance and Disobedience To A Person In Authority) ang Provincial Investigation and Detective Management Unit.

Naaresto si Egodas nitong Hunyo 27, sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng First Aklan Mobile Force Company, Makato Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit, Provincial Investigation Detective Management Unit together with Phil. Army, 301Brgde team of Philippine Army (12IB, 3CMO Bn and 3MIB).