Connect with us

Aklan News

Motorsiklo, naaksidente dahil sa tumawid na aso; rider at angkas nito, sugatan

Published

on

Kapwa sugatan ang isang rider at ang angkas nito sa motorsiklo matapos maaksidente sa boundary ng Poblacion at Bachao Sur, Kalibo pasado alas 4:00 nitong hapon.

Nakilala ang mga biktimang sina Rochel Mabasa, 51-anyos, driver, at ang angkas nitong si Lovely Igtanloc, 22-anyos na pawang taga Bachao Sur, Kalibo.

Base sa imbestigasyon ng Radyo TODO, nagmomotorsiklo ang dalawa, nang bigla na lamang may tumawid na aso na kanilang nabangga na siyang naging dahilan ng kanilang pagkaaksidente.

Dahil dito, kapwa nagtamo ng sugat sa kani-kanilang katawan ang dalawa na kaagad namang nirespondehan at nilapatan ng pangunang lunas ng mga taga MDRRMO Kalibo bago dinala sa pribadong ospital.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *