Connect with us

Aklan News

Motoristang senior citizen sugatan matapos tamaan ng naputol na wire

Published

on

By

Photo courtesy: Alyssa Jhane Flores

SUGATAN ang isang motorista matapos tamaan ng naputol na cable wire sa bahagi ng New Buswang, Kalibo nitong Lingggo.

Kinilala ang biktima na si Esmael Goboy, 65-anyos, residente ng Brgy. New Buswang, Kalibo habang nakilala naman ang driver ng truck na si Sammy Magarso, 39-anyos ng Pob. Balete, Aklan.

Batay sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, magkasunod umano na tinatahak ng truck at motorsiklo ng biktima ang naturang lugar kung saan pagdating sa tapat mismo ng Dela Cruz House of Piña ay nasagi ng truck ang nakalaylay na wire dahilan upang maputol ito at tumama sa biktima. Dahil dito, natumba ang motorsiklo ni Goboy dahilan ng pagtamo nito ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Agad namang nirespondehan ng MDRRMO Kalibo at Kalibo PNP ang nasabing aksidente kung saan dinala ang mga sangkot sa Kalibo Municipal Police Station para sa karampatang disposisyon.