Connect with us

Aklan News

Menor de edad na nasa lamay, inagawan na ng kape nasaksak pa, suspek arestado

Published

on

By

Arestado ang isang lalaki matapos nitong saksakin ang isang menor de edad na nasa lamay kaninang madaling-araw sa may Andagao, Kalibo.

Napag-alaman na nag-umpisa ito nang agawin ng 18-anyos na suspek ang kapeng tinimpla ng biktima at ininom ito.

Ikinagulat pa umano ng biktima at ng mga kasama nito nang sipain ng nasabing suspek ang lamesa na ginagamit nila sa paglalaro.

Doon na umano, ikinumpronta ng biktima ang suspek na nagdahilan ng komosyon sa gitna ng dalawa at umabot na sa pananaksak.

Nagtamo ng tama sa may balikat, mukha at likurang parte ng kaniyang ulo ang biktima bunsod ng pananaksak.

Dinala naman kaagad ang biktima sa Aklan Provincial Hospital at kasalukuyang naka-confine.

Samantala, nagtangka pa umanong tumakas ang nasabing suspek ngunit agad din itong naaresto ng mga kapulisan at dinala sa Kalibo Municipal Police station.