Connect with us

Aklan News

Magkapatid na nakamotor pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang suspek, mga dugo kumalat sa kalsada

Published

on

By

Kumalat sa kalsada ang mga dugo ng magkapatid na pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang suspek habang nakamotor, pasado alas-2 kaninang madaling araw sa may Old Pook Port sa bayan ng Kalibo.

Kinilala ang mga biktimang si Dioren Revesencio, 22-anyos at kapatid nitong si John Dave Revesencio, 19-anyos na residente ng Brgy. Andagao, Kalibo.

Batay sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, mula sa bahay ng isa pa nilang kapatid ang mga biktima at pauwi na sana ng pagbabarilin ang mga ito ng isang lalaking nakasuot ng sumbrero at jacket.

Napag-alaman na may isa pang kasama ang suspek ngunit hindi rin nakilala.

Mabuti na lamang at may isa pang kasama ang magkapatid na hindi natamaan at ito ang nagdala sa kanila sa ospital.

Nagtamo si Dioren ng tama sa kanang balikat nito habang si John Dave naman ay natamaan sa kaniyang kaliwang hita na hanggang ngayon ay patuloy paring ginagamot sa Mission Hospital.

Samantala, narekobe sa lugar ng insidente ang ilang basyo ng mga bala na pinaniniwalaang ginamit ng suspek sa pamamaril.

Sa ngayon ay patuloy parin ang imbestigasyon ng Kalibo PNP kaugnay sa nangyaring krimen.