Connect with us

Aklan News

LALAKING NANUNTOK NG KAINUMAN, SINAKSAK

Published

on

Sinaksak

Banga – Nauwi sa areglo ang nangyaring pananaksak noong Sabado pasado alas 9:00 ng gabi sa Badiangan, Banga.

Ayon sa Banga PNP, kusang sumuko sa kanila alas 6:30 kahapon ng umaga ang suspek na si Hersey Rufin, 42 anyos matapos umano nitong saksakin ang biktimang si Jurex Mirano, 24 anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng Banga PNP, magkasamang nag-inuman ang dalawa sa isang kubo sa Badiangan, subali’t nagtalo umano ang dalawa dahil na rin sa kanilang kalasingan.

Sinasabing sinuntok umano ni Mirano si Rufin, kung saan bumunot naman umano ito ng patalim at sinaksak ito sa kanang tagiliran.

Mapalad namang hindi malubha ang tinamong sugat ni Mirano, at nagkaayos naman kinalaunan ang dalawa.