Connect with us

Aklan News

LALAKING HINDI NAG-AMBAG SA TAGAY, NANAGA NG KAINUMAN

Published

on

Numancia – Patuloy pang pinaghahanap ng mga pulis ang isang lalaking nanaga sa mismong kainuman pasado alas 10:00 kagabi Dongon West, Numancia.

Nakilala ang suspek na si Nolly Regalado ng Bubog, Numancia, habang confined parin sa ospital ang biktimang si Rogelio Tayco, 40 anyos ng naunang nabanggit na lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Numancia PNP, magkasamang nag-inuman ang dalawa sa bahay ng kanilang kaibigan, subalit nagkadiskusyon umano ang mga ito dahil sa kanilang kalasingan.

Sinita umano ng biktima ang suspek sa hindi pagbigay ng ambag nito na pambili ng alak dahilan na ikinagalit ng suspek.

Kasunod nito, kumuha umano ng gulok ang suspek at tinaga sa ulo at balikat ang biktima na kaagad namang dinala ng mga taga MDRRMO Numancia sa ospital.

Kaagad namang tumakas ang suspek matapos ang insidente at nananatiling at large habang sinusulat ang balitang ito.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *