Connect with us

Aklan News

LALAKI, BINUGBOG NA, SINAKSAK PA

Published

on

Ibajay – Sugatan ang isang lalaki matapos umanong bugbugin at saksakin ala 1:50 kaninang madaling araw sa Rizal, Ibajay. Nakilala ang biktimang si Jose Masula, 36 anyos ng nasabing lugar, habang hindi pa nakilala ang suspek.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Ibajay PNP, pauwi na matapos mag-inuman sa plaza ang biktima at kasama nitong si Gino Señeres, nang mangyari ang insidente.

Sinasabing huminto umano ang mga ito sa gilid ng kalsada para umihi, nang may nagparinig umano sa kanila na susuntukin ang biktima.

Dahil dito, pumalag umano ang biktima, na nagresulta sa isang komosyon.

Ilang saglit pa, tumakbo umano ang di nakilalang suspek at kasama nito sa isang bahay, at bumalik na may mga kasama.

Doon na rin binugbog at nasaksak sa tiyan ang biktima na kaagad ding dinala sa Ibajay Hospital, bago inilipat sa provincial hospital.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulis sa insidente.