Connect with us

Aklan News

DAHIL SA INIWANG NILULUTO SA KUSINA, BAHAY NASUNOG

Published

on

Numancia – Dahil umano sa iniwang niluluto sa kusina, nasunog bandang alas 6:30 kagabi ang isang bahay sa Sitio Katibyugan, Dongon West, Numancia.

Ayon sa Bureau of Fire Numancia, bahay ng mag-asawang Ronel at Michelle Cawaling ang nasunog na bahay na gawa sa light combustible materials.

Kinumpirma naman ng BFP Numancia na walang nadamay o nasugatan sa sunog na umabot lamang sa unang alarma.

Inaalam pa kung magkano ang halaga ng pinsalang iniwan ng sunog na nirespondehan din ng Bureau of Fire Makato.