Connect with us

Aklan News

Kalibonhon rice farmers, nakatanggap ng mga hybrid rice seeds 

Published

on

By

Photo: LGU Kalibo

NAKATANGGAP ng mga hybrid rice seeds ang magsasaka sa bayan ng Kalibo.

Ang nasabing aktibidad ay sa pamamagitan ng inisyatibo ng Agricultural Services Division ng Municipal Agricultural Officer sa ilalim ng National Rice Program.

Nasa 670 farmer beneficiaries ang nakatanggap ng nasa 350 bags ng mga hybrid na binhi ng palay.

Ang mga ipinamahaging rice variety ay ang NK 5017 at Mestizo at may dagdag pang zinc conditioning na hinahala sa kanilang gagamiting abono.