Connect with us

Aklan News

Driver nabiktima ng kawatan, habang natutulog sa loob ng van

Published

on

By

Imbes na mamasada, sa presinto ng Kalibo PNP dumiretso ang isang driver para magreport matapos umanong mabiktima ng kawatan habang natutulog sa nakaparadang van sa kanilang terminal sa Roxas Avanue.

Nakilala ang biktimang driver na si Jay Bolido, 42 anyos ng Camanci Norte ,Numancia.

Ayon sa biktima, nagisnan na lamang nito alas 3:40 kaninang madaling araw na bukas na ang pintuan ng minamaneho nitong van kung saan siya natutulog.

Ang masaklap, wala na rin umano doon sa dash board ang kanyang belt bag na naglalaman ng pera, drivers license, vaccination card, at perang P6, 850.00.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Kalibo PNP kaugnay sa nasabing insidente.