Connect with us

Aklan News

2 arestado sa ilegal na sugal, menor de edad na kasama, dinala din sa presinto

Published

on

Dalawa ang arestado kagabi dahil umano sa ilegal na sugal sa Badio, Numancia, habang dinala din sa presinto ang 15 anyos na binatilyong kasama umano nila sa pagsusugal.

Sa report ng Numancia PNP, bandang alas 6:00 kagabi nang ikasa ng Numancia PNP ang isang Anti-Illegal Gambling Operation matapos matunugan ang paglalaro doon ng nga suspek ng pool na may pusta.

Kasunod nito, kaagad inaresto ang mga suspek na sina Clyde Fredritz Peralta, 33 anyos, at Paulo Vallejo , 44 anyos, lahat residente ng nasabing lugar, nang naaktuhan umano sa kanilang aktibidad.

Kinumpiska din ang ginamit nilang mga tako,  pichas, lamesa, baraha, at maging ang kabuuang P183.00 na perang pusta ng mga suspek.

Pansamantala silang ikinostodiya sa Numancia PNP Station, habang inihahanda ang kasong paglabag sa PD 1602 o Anti-Ilegal Gambling Law na isasampa sa kanila ngayong umaga, habang ipinagkatiwala naman ng mga pulis sa kanyang ina ang nasabing binatilyo.